Dalawa hanggang tatlong beses na mas mabilis makahawa ang natuklasang bagong strain ng SARS-COV-2 Virus.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Chairman ng Adult Infectious Disease and Tropical Medicine section ng San Lazaro Hospital, mas maraming nahahawaan ang bagong strain ng virus na G614 kumpara sa D614.
Ayon naman sa Philippine Genome Center, pumasok na sa Pilipinas ang bagong uri ng virus.
Pero para malaman kung kailan ito nangyari, kailangan munang balikan ang mga sample noong Abril at Mayo.
Samantala, una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang matibay na ebidensyang mas nakakahawa ito kumpara sa orihinal na strain ng COVID-19.
Facebook Comments