Bagong Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, may apela sa mga empleyado ng Korte Suprema

Matapos mahirang noong nakaraang Linggo bilang bagong mahistrado ng Supreme Court, dumalo kanina sa kauna-unahan niyang flag ceremony sa SC si Associate Justice Amy Lazaro-Javier.

 

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Justice Javier ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema sa mainit na pagtanggap sa kanya.

 

Umapela rin ang mahistrado sa SC Officials, at employees na ipagdasal siya habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang mahistrado ng kataas-taasang hukuman.


 

Si Justice Javier ay unang naging Trial Attorney ng Office of the Solicitor General (OSG), at kalaunan naging Assistant Solicitor General.

Facebook Comments