Galing ng mga Atleta, Ibinuhos sa Huling Araw ng CAVRAA 2019 sa Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Mainit pa rin ang tagisan ng galing ng mga atleta mula sa iba’t-ibang paaralan para sa huling araw ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2019 dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jonathan Medrano, Sports Coordinator ng LGU Cauayan City, nakatakdang maglalaban-laban mamayang gabi ang mga mananalong basketbolista sa semi-final maging sa Sepak Takraw para sa Championship.

Nanawagan naman si Ginoong Medrano sa mga Cauayeño na suportahan ang mga atleta upang mapagtagumpayan ang kanilang mga laban.


Sa ngayon, wala pa naman aniyang naitalang mabibigat na injury sa mga manlalaro nang magsimula ang pangatlong bahagi ng CAVRAA sa Lungsod.

Samantala, nakatakdang ireprisinta ng Region 2 para sa Palarong Pambansa ang sinumang mananalo sa CAVRAA 2019.

Facebook Comments