Bagong Supreme Court Associate Justice, manunumpa ngayong hapon

Manunumpa ngayong araw ang bagong mahistrado ng Korte Suprema na si Court of Appeals Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla.

Batay sa abiso mula sa Supreme Court Public Information Office, ang oath-taking ni Padilla ay pangungunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ngayong alas dos ng hapon.

Si Padilla ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-188 na mahistrado ng Korte Suprema.


Papalitan niya ang nagretirong si Supreme Court Associate Justice Andres B. Reyes Jr.

Si Justice Priscilla Baltazar-Padilla ay labing apat na taong nagserbisyo sa Court of Appeals.

Facebook Comments