Lady guard, natagpuang patay sa loob ng binabantayang dormitoryo sa Ilocos Sur

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Duguan at wala ng buhay ang isang lady guard nang matagpuan sa loob ng binabantayang dormitoryo.

Sa report ng GMA News, may matinding sugat sa ulo at leeg ang biktimang kinilalang si Marites Cutamora, 49, nang madatnan ng awtoridad.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na selos ang ugat ng ginawang krimen ng suspek na mismong nobyo ng biktima na si Ferdinand Palaganas, 34 na agad namang inaresto ng pulisya.


Maaaring nabisto raw ni Palaganas na may ka-chat at ka-video call ang kinakasama.

Ito ay matapos marekober ang isang cellphone na pagmamay-ari ni Cutamora na may larawan ng umano’y boyfriend nito.

Nang makapanayam ng chief investigator ng Vigan Police Station, inamin daw ng suspek na nagkaroon ng alitan sa pagitan nila ng nobya na nauwi sa suntukan at paninipa.

Giniit pa nito na buhay pa raw ang biktima nang kanyang iwan.

Buo naman ang desisyon ng pamilya ni Cutamora na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Facebook Comments