Bagong survey, nagpapakitang maraming Pinoy ang nagmamahal sa Pangulo – Palasyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang MalacaƱang na maraming Pilipino ang nagmamahal kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos lumabas sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayorya ng mga Pilipino ang nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo.

Base sa survey, 66% ng mga Pilipino ang nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo habang 34% ang hindi.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ā€“ kung titingnan sa positibong aspeto ang resulta ng survey, ipinakikita lamang nito na dumami ang bilang ng mga Pinoy ang may pagkalinga sa kalusugan ng Pangulo.

Nangangahulugan aniya na maraming Pinoy ang nananalangin ng maayos at mabuting kalusugan para sa Pangulo at makumpleto ang kanyang termino.

Tiniyak ng Palasyo na nasa mabuting estado ang kalusugan ng Pangulo.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 respondents.

Facebook Comments