Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, muling nagkaharap sa NBA

Muling nagharap ang dalawang magkaribal sa boxing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa isang basketball game sa NBA.

Nabatid kasi na kapwa nanood ang dalawa sa ginanap na Filipino Heritage Night sa Staples Center sa panalo ng Los Angeles Clippers kontra sa Charlotte Hornets sa score na 128-109.

Lumapit pa si Pacquiao sa pwesto ni Mayweather upang siya ay kamayan kung saan ikinatuwa ito ng lahat ng fans.


Matatandaan na kasalukuyang nasa Amerika si Pacquiao para paghandaan ang unang beses niyang pagdepensa sa hawak na WBO Welterweight Belt laban kay Adrien Broner sa January 19 sa Las Vegas.

Facebook Comments