Manila, Philippines – Magsasagawa ang Armed Forces of the Philippines ng mga bagong taktika o stratehiya sa paglipol sa natitirang miyembro ng Maute ISIS terror group sa Marawi City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo ito ay dahil nasa concluding phase o patapos na bahagi na ang militar sa pag-neutralize sa teroristang grupo.
Sinabi ni Arevalo na nag-usap sina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año at Defense Sec. Delfin Lorenzana para sa mga gagawing pagbabago sa operations strategy sa Marawi City.
Kasunod ito ng mga impormasyong nakuha mula sa mga field commanders sa Marawi City na silang direktang nakakaalam ng sitwasyon doon.
Layon aniya ng mga pagbabago ay upang mapabilis ang kanilang misyon ma-neutralize ang Maute group, at mailigtas ang bihag ng mga ito upang tuluyan nang masimulan ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Dagdag pa ni Arevalo ayaw na nilang magbigay ng deadlines sa kung kailan matatapos ang gulo sa Marawi City.
Dahil mahirap aniyang tantyahin ang sitwasyon sa lungsod.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558