Nangako si Chief Superintendent Allan Iral na habang siya ang officer-in-charge ng Bureau of Jail Management and Penology sisibakin niya ang mga opisyal at kawani ng ahensya na masasangkot sa katiwalian at sa operasyon ng illegal drugs.
Sa isang press conference sa BJMP headquarters, inilatag ni Iral ang kaniyang istratehiya sa gagawing pangangasiwa sa BJMP.
Tinawag niya itong 4G : Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse and Guard the Life.
Sa ilalim ng Guard the Badge, puntirya ni Iral na linisin ang ahensya sa illegal na aktibidad.
Aninado ang BJMP chief na may ilang opisyal at tauhan ang BJMP na kung hindi man gumagamit ng illegal drugs ay mismong protektor ng illegal drugs sa mga jail facilities.
Sa katunayan ayon kay Iral, dalawang BJMP personnel na ang isinumbong niya kay Interior chief Eduardo Año dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
Aniya,kung siya ang masusunod gusto niyang masibak na ang naturang BJMP personnel.