Bagong talagang DENR Secretary Roy Cimatu – opisyal nang humarap sa mga empleyado ng DENR; Kooperasyon ng publiko, ipinanawagan

131

Manila, Philippines – Umapela ng kooperasyon sa publiko ang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na si Roy Cimatu.

Sa kanyang talumpati sa welcome ceremony sa DENR, ibinahagi ni Cimatu ang karanasan niya bilang dating AFP Chief-Of-Staff at Special Envoy for OFW na maaari niyang magamit bilang DENR Secretary.

Inamin naman ni Cimatu na hindi siya handa nang alukin siya ni Pangulong Duterte na maging miyembro ng kanyang Gabinete.

Gayunman, gagawin aniya niya ang lahat para mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan.

Humingi rin si Cimatu ng sapat na panahon para mapag-aralan pa ang mga batas at trabaho sa ilalim ng DENR.

DZXL558

Facebook Comments