Burol ng Namatay na Patrolwoman, Binisita ni RD Nieves; Pamilya Binigyan ng Tulong

64

Cauayan City, Isabela- Personal na binisita kahapon ni PBGen. Crizaldo Nieves, Regional Director ng Police Regional Office 2 ang burol ng yumaong si Patrolwoman Archelle Duldulao sa Purok 1, Barangay Zamora, Cabarroguis, Quirino na namatay sa aksidente noong ika-20 ng Pebrero, 2021 sa Santiago City.

Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilya ni late Patrolwoman Duldulao at nagbigay ng tulong pinansyal.


Kasama rin sa pagdalaw ng Regional Director sina Pcol Reynaldo Dela Cruz, City Director ng Santiago City Police Office, PCol Rommel A Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office, PRO2 Ladies Club sa pangunguna ni Mrs. Imelda Nieves at mga ibang mga kapulisan ng Santiago City Mobile Force Company (CMFC) at Regional Headquarters bilang pagpapakita ng simpatiya sa pamilya ng yumaong pulis.

Maging si PNP Chief PGen. Debold M Sinas ay nagpaabot din ng kanyang taos pusong pakikiramay at tulong pinansyal sa pamilya.

Nag-alay naman ng dasal si PCpt Rhey Dollisen, ang Regional Pastoral Officer para sa namatay na pulis.

Dagdag dito, nangako ang Regional Director na maibibigay lahat ng kaukulang benepisyo sa pamilya ni Pat Duldulao.



Bago ang nasabing pagbisita ay pinuntahan din ni ng Regional Director ang apat na sugatang pulis sa Renmar Hospital sa Santiago City para personal na makita ang kalagayan ng mga ito at mag-abot din ng tulong pinansyal.


Matatandaan noong hapon ng February 21 ng taong kasalukuyan, patungo sa bayan ng Cordon ang patrol car na sakay ng limang babaeng pulis na kinabibilangan ni Pat. Duldulao ng City Mobile Force Company (CMFC) na nakabase sa Santiago City nang biglang sumabog ang kaliwang gulong sa harapan ng patrol car at bumangga sa isang konkretong bakod sa brgy Sinsayon, Santiago City.

Dead on the spot si Pat. Duldulao matapos mahulog at magulungan ng patrol car habang sugatan naman ang apat nitong kasama.

Facebook Comments