Bagong tayong monumento para sa nga bayaning sundalo ng Marawi Siege pinasinayaan ng Pangulo

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unveiling at ang pagaalay ng bulaklak sa Marawi Heroes Memorial Monument sa loob ng libingan ng mga bayani.

 

Itinayo ang monumento para kilalanin ang kagitingan at kabayanihan ng aabot sa 160 sundalo na nag-alay ng kanilang buhay para mapalaya ang Marawi City Mula sa kamay ng mga terorista.

 

Kasama ni Pangulong Duterte sa aktibidad si Defense Secretary Delfin Lorenzana, Peace Adviser Secretary Carlito galvez at iba pang opisyal ng AFP.


 

Sa nasabing aktibidad ay nakipagusap ang Pangulo sa ilang miyembro ng mga pamilya ng mga namatay na sundalo at inimbitahan niya ang mga ito na pumunta ng Malacañang at tiniyak na ito ay laging bukas para sa kanila.

 

Sinabi ng Pangulo sa mga pamilya na totoong mga bayani ang kanilang mga mahal sa buhay at nagpapasalamat ito na siya ay naging bahagi sa pagkilala sa mga ito.

Facebook Comments