Dalawang Negosyante, Huli sa kasong paglabag sa Bouncing Checks Law!

Delfin Albano, Isabela – Timbog ang dalawang negosyante matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest pasado alas kwatro ng hapon sa Brgy. San Juan, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Napoleon Dasalla Argonza, 51 anyos, may asawa, negosyante at Lolita Purugganan Argonza, 51 anyos, may asawa, negosyante at kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ang dalawa ng mga kasapi ng PNP Delfin Albano sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ramon Corazon P. Blanco ng MTC Tumauini-Delfin Albano dahil sa 6 counts na paglabag sa BP 22 o The Bouncing Checks Law.


Dinala na sa PNP Delfin Albano ang dalawang negosyante para sa kaukulang disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanilang piyansang siyam na libong piso (9,000.00) bawat isa.

Facebook Comments