Bagong TESDA App na katumbas ng Grab para sa mga skilled workers, nakatakdang ilunsad

Nakatakdang ilunsad ng TESDA  ang isang App na siyang inaasahang magiging tulay sa mga graduates nito papunta sa mga oportunidad sa kanilang lugar.

 

Sa forum sa  kapihan sa Manila Bay, ikinumpara ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapena sa popular ride Hailing App na “Grab” ang bagong proyekto na ito ng TESDA.

 

Ayon kay Lapena, gaya ng Grab, kung kailangan ng isang tao ng tubero, karpentero, o anumang skilled worker, kailangan lamang ng mga ito na magbook sa 911-TESDA App para makahanap ng TESDA  graduate na malapit sa lugar.


 

Dagdag pa ng opisyal na bagamat inaayos pa nila ang magiging presyuhan at kabuuang kalakaran sa naturang App ay target na nila itong ilunsad sa itong darating na hulyo ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments