Mahigit 70,000 trabaho, tampok sa job fair ng DOLE sa June 12

 

Plantsado na ang job fair ng DOLE sa June 12 sa ibat-ibang bahagi ng bansa

 

Ayon sa Bureau of Local Employement ng DOLE, aabot sa 70,000 ang job vacancies na iaalok ng 560 employers sa naturang job fair.

 

Pinapayuhan ng DOLE ang mga jobseekers na bisitahin ang mga job at business fairs sa kani-kanilang mga lugar.


 

Kailangan din anilang magdala ang mga aplikante ng maraming resume o curriculum vitae, 2×2 ID Pictures, Certificate of Employment para sa mga dati nang may trabaho, Diploma at Transcript of records at Authenticated na Birth certificate.

Facebook Comments