Aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong testing at quarantine protocols para sa mga biyaherong magmumula sa mga bansang pasok sa Green List.
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kailangang magpresinta ng negatibong RT-PCR test result ang lahat ng biyaherong darating sa bansa, anuman ang vaccination status ng mga ito.
Para sa fully vaccinated individuals, kailangang sumailalaim ang mga ito sa facility-based quarantine at RT-PCR test sa ikatlong araw.
Sa oras na magnegatibo, kailangan na lamang kumpletuhin ng mga ito ang sampung araw na quarantine sa kanilang mga tahanan.
Para naman sa mga hindi pa bakunado o partially vaccinated individuals, kailangang sumailaim ang mga ito sa facility-based quarantine, at RT-PCR test sa ikapitong araw.
Sa oras na magnegatibo, kailangan na lamang tapusin ang 14-day quarantine sa kanilang tahanan.
Para naman sa mga magmumula sa mga bansang pasok sa Yellow List, kailangang sumailaim sa facility-based quarantine, at magpa-RT- PCR test sa ikalimang araw ang mga ito, at sa oras na magnegatibo, ipagpapatuloy na sa tahanan ang 14-day quarantine.
Para naman sa unvaccinated or partially vaccinated, kailangan ring sumailaim sa facility-based quarantine ang mga ito, at RT-PCR test sa ikapitong araw.
Sa oras na magnegatibo, tatapusin na lamang ng mga ito ang 14-day quarantine sa kanilang tahanan.