Bagong testing at quarantine protocols sa mga uuwi ng Pilipinas, inaprubahan na ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong testing at quarantine protocols para sa mga pasaherong darating mula sa mga bansang hindi kabilang sa red list.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, epektibo ngayong araw ang bagong guidelines kung saan:

Kinakailangan nang magpakita ng negatibong RT-PCR test na isinagawa 72 bago ang pag-alis mula sa bansang pinagmulan ang mga fully vaccinated na pasahero.


Sasailalim din ang mga ito sa facility-based quarantine at muling kukuhanan ng RT-PCR test sa ika-limang araw mula nang dumating sa bansa.

Samantala, para naman sa mga unvaccinated at hindi pa fully vaccinated ay required din silang mag RT-PCR test at muling sasalang sa ika-pitong araw naman ng kanilang quarantine.

Kailangan din nilang mag home quarantine sa loob nang 14 na araw kahit negatibo ang resulta ng RT-PCR test.

Sa kasalukuyan, 14 na bansa ang kabilang sa red list hanggang Disyembre 15 dahil sa posibleng banta ng Omicron COVID-19 variant.

Facebook Comments