Mga OFW, makakauwi pa rin ng bansa kahit nasa red list countries – POEA

97

Nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaari pa ring makauwi ang mga Pilipino sa ibang bansa at ipagdiwang ang kapaskuhan dito kahit magmumula sila sa red list countries.

Ito ay sa kabila ng posibleng banta ng Omicron COVID-19 variant na naitala na sa 23 na bansa sa ngayon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni POEA Administrator at Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Bernard Olalia na exempted ang mga Pilipino sa travel ban ng inbound flights ng pamahalaan.


Aniya, ang magiging problema lamang dito ay kung may available na flights na pauwi rito sa Pilipinas.

Facebook Comments