BAGONG TNVS | INDONESIAN TRANSPORT COMPANY, NAIS PUMASOK SA PILIPINAS

Manila, Philippines – Pag-aaralang mabuti ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang pagpasok ng isang ‘foreign player’ sa multi-bilyong pisong industriya ng ride-hailing services sa bansa.

Ginawa ni LTFRB Board Member Attorney. Aileen Lizada ang pahayag matapos isagawa ng Indonesian transport company na Go-Jek ang kanilang presentasyon sa LTFRB kaugnay ng kanilang interes na pumasok sa serbisyo sa bansa.

Nais ng ahensya na protektahan ang interes ng mga local transport companies sa harap ng pag-apruba sa kanilang akreditasyon para makapag-operate bilang transportation network companies at kompetensiyahan ang GRAB na kumpanyang naka-base sa Singapore.


Ang Go-Jek ay itinatag noong taong 2010 at nasa halos kalahating milyon ang aktibong TNVS nito sa indonesia.

Paliwanag pa ng regulatory agency na dahil walang regulasyon doon maliban sa fare structure ay nasa limang beses umano ang surge sa pasahe ng Go-Jek kumpara sa dalawa lamang sa pilipinas.

Batay sa plano, nais ng Indonesian transport company na kompetensiyahin ang lahat ng lungsod sa bansa na may taxi operation kabilang dito ang Metro Manila, Cebu at Pampanga.

Facebook Comments