Bagong trade agreement, maraming malilikhang trabaho, ayon sa DOLE

56
DOLE-Bureau of Local Employment Facebook Page

Malugod na tinanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpirma sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement.

 

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, ang paglagda sa kasunduan ay nangangahulugang mas maraming trabaho ang malilikha.


 

Aniya, maraming trading partners ang makakalahok.

 

Ang RCEP ay isa sa pinakamalaking trade agreement na pinasok ng Pilipinas.

Facebook Comments