Pondo ng Disaster Response sa 2021 national budget, dapat dagdagan – VP Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na ipaprayoridad sa proposed 2021 national budget ang disaster response.

 

Ayon kay Robredo, mahalagang malaki ang pondong ilaan sa patugon sa mga kalamidad at sakuna.

 

Sa pamamagitan nito, naibibigay ang tamang aksyon sa panahon ng krisis.


 

Aniya, matagal na panahon nang napabayaan ang disaster preparedness at response.

 

Bukod sa environmental issues, sinabi ni Robredo na dapat maiprayoridad din sa ilalim ng 2021 budget ang pagresponde sa mga banta sa kalusugan tulad ng COVID-19.

Facebook Comments