Masyado pang maaga para magbigay ng anumang pahayag kaugnay sa lumulutang na ideya ng pagbuo ng bagong UniTeam para sa 2028 national elections.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa ito napag-uusapan sa loob ng administrasyon at hindi pa rin nababanggit sa Pangulo ang naturang panukala, kaya’t wala pang opisyal na posisyon ang Palasyo.
Dagdag pa ni Castro, wala ring maibibigay na pahayag ang Malacañang kung bukas ang administrasyon sa pakikipag-alyansa sa mga dating oposisyon o naging katunggali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong 2022 elections.
Pahayag ito ng Malacañang matapos banggitin ni dating Senador Antonio Trillanes ang posibilidad ng isang alyansa sa pagitan ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at ng mga Marcos supporters, upang matalo ang kampo ng mga Duterte sa susunod na halalan.











