BAGONG USEC | DPWH Spokesperson Karen Jimeno, itinalaga bilang undersecretary for disaster resiliency ng PMS

33

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang undersecretary for disaster resiliency ng Presidential Management Staff (PMS) si Public Works Undersecretary Karen Jimeno.

Kahapon nang inilabas ng Malacañang ang kopya ng appointment paper ni Jimeno bilang undersecretary for disaster resiliency sa ilalim ng Pms na pinamumunuan ni Special Assistant to the President Bong Go.

Si Jimeno ay naging bahagi ng defense team at tagapagsalita ni dating Chief Justice Renato Corona nang ito ay humarap sa impeachment trial noong 2012.

Bago ang kanyang appointment sa PMS, si Jimeno ang pinuno ng legal team ng DPWH.

Maliban kay Jimeno, itinalaga rin si Antonio Joselito Lambino II bilang bagong assistant secretary for Strategy, Economics, and Results Group (SERG) ng Department of Finance (DOF).

Facebook Comments