Bagong work schedule para sa Ayala Malls service center, ipinatupad ng Parañaque LGU

Simula kahapon, ipinatupad na ang bagong working schedule ng Parañaque City Government sa service center nito na matatagpuan sa Ayala Malls by the Bay, ayon kay Lawyer Melanie Soriano Malaya, pinuno ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Ang service center ay may bagong working schedule na 10 A.M. hanggang 6 P.M., mula Lunes hanggang Biyernes, upang makapagbigay oras sa mga empleyado na makapagpahinga tuwing weekends.

Ito ay dati nang nagsasagawa ng operasyon tuwing Sabado at siyang humahawak sa assessment, renewal at pagbabayad ng business permits.


Noong 2021 pa nang ilunsad ang naturang service center sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ni dating Mayor Edwin Olivarez, na layong magbigay ng mga serbisyong publiko at mabawasan ang overcrowding sa Parañaque City Hall para sa mas maginhawang pagbabayad ng buwis at iba pang transaksyon.

Facebook Comments