Pagsasaayos ng kalsada sa ilang bahagi ng Metro Manila, aabutin hanggang Miyerkules – MMDA

Tatagal pa hanggang Miyerkules, Hunyo 5 ang ginagawang pagsasaayos ng kalsada sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apektado nito ang mga sumusunod na kalsada:

• Congressional Avenue, Visayas Avenue hanggang April Extension
• Congressional Avenue, EDSA (NB) sa harap ng Sprint Auto Spa
• Congressional Avenue, sa harap ng Spirit Auto Spa hanggang Mindanao Avenue
• Congressional Avenue, Mindanao Avenue hanggang Visayas Avenue


Mula kahapon, binabakbak ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang aspalto tuwing alas-10 ng gabi.

Dahil dito, pinaiiwas muna ang mga motorista sa mga nabanggit na lugar at pinapayuhang humanap ng alternatibong ruta.

Facebook Comments