Polymer-ready na ang halos lahat ng automated teller machines (ATM) sa bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, 17,304 o 92% ng kabuuang bilang ng mga ATM sa buong bansa ang tumatanggap na withdrawal para sa bagong ₱1,000 polymer banknotes.
Sa nasabing bilang, 7,274 ay matatagpuan dito sa Metro Manila.
Habang patuloy na naglalabas ng polymer banknotes, pinaalalahanan naman ng central bank ang publiko, mga retailer at banko na tanggapin pa rin ang nakatuping pera, papel man o polymer, dahil legal tender pa rin ito o pwede pa ring gamitin sa pang-araw-araw na payment transactions.
Facebook Comments