₱3 tapyas-presyo sa diesel, higit ₱2 sa gasolina at kerosene, kasado na bukas

Good news sa mga motorista!

Sulitin na ang pagpapakarga ng krudo bukas dahil sa ipatutupad na bigtime oil price rollback ng mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, bababa ng ₱3 ang presyo ng kada litro ng diesel habang ₱2.10 naman sa gasolina.


May ₱2.30 din silang tapyas-singil sa kerosene.

Kaparehong price adjusment ang ipatutupad ng Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene.

Epektibo ang oil price rollback alas-6:00 ng umaga bukas habang mauunang magpatupad nito ang Cleanfuel ng alas-12:01 mamayang hatinggabi.

Facebook Comments