‘BAGS OF BLESSINGS’ | Halos isang libong pamilya, tumanggap ng food packages mula sa Metrobank Group at GT Foundation

Manila, Philippines – Umaabot sa isanglibong lubhang mahihirap na pamilya sa Quezon City ang tumanggap ng food package o Bags of Blessings mula sa Metrobank Group, GT Foundation at GT Capital Holdings Inc., katuwang ang DZXL RMN bilang media partner, sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Ayon kay Metrobank Group founder at Chairman George Ty, bilang pakikiisa sa Chinese New Year, sa halip na tradisyonal na “ang pao” , ang pulang envelope na nilalagyan ng pera, bawat pamilya ay tumanggap ng isang bag na naglalaman ng mga food items na konsumo sa loob ng dalawang linggo.
Ang mga benepisaryo ay pinili mula sa National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD.
Ang pamamahagi ng bags of blessings ay una na ring isinagawa sa Taguig City, Pasay City, Navotas at Caloocan City.
At sa mga sumusunod na munisipalidad at probinsya:
Lancaster New City sa Imus, Cavite; Sta. Rosa City Laguna; Baras, Rizal; Infanta, Quezon; Botolan, Zambales; Iloilo City; Naval, Biliran; Ormoc City; Davao City; Surigao City; General Santos City; At Talacogon, Agusan Del Sur.


Facebook Comments