BAGSAK | Dalawang taon ng Duterte Administration, binigyan ng bagsak na marka ng human rights group na Karapatan

Manila, Philippines – Binigyan ng bagsak na marka ng human rights group na Karapatan ang ikalawang taon ng Duterte Administration.

Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, ang pangakong pagbabago ni Pangulong Duterte ay napapalitan na ng pangit na mukha.

Aniya, mistulang sinagasaan ng delubyo sitwasyon ng Karapatang pantao sa dalawang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Bunga aniya ito ng mga patakarang pang ekonomiya at umano ay brutal na polisiya ng gobyerno na sumagasa sa mga mahihirap na mamamayan.

Batay sa datos ng grupo, may mga kabataan, tindero sa daan na walang kaugnayan sa illegal drugs ang naisama sa 20,000 na napatay sa war on drugs.
Maging ang kalsada ay hindi na ligtas dahil sa mga pag aresto sa ilalim ng Oplan Tambay.

Aniya, sa hangarin ni Duterte na maipatupad ang kalagayang pangkaayusan at pangkatahimikan, nagiging isang police state na ang bansa.

Facebook Comments