Manila, Philippines — Ibinida ng pamunuan ng Department of Trade and Industry na bumaba ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ng DTI na isa mga mga kadahilan ng mga pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ay yung Inflation dahil sa bagong Tax Reform Law.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang malaking tama talaga sa presyo ng mga bilihin ay ang International Oil Product kung saan tumataas ang presyo ng krudo ng halos 80 dollars per barrel na dati ay 40 dollars lamang.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi rin ni Lopez na kinakailangan agad madala sa mga pamilihan ang mga bigas ng NFA upang matugunan ang hinaing ng mga mahihirap na magkaroon ng murang bigas at bilihin sa merkado.
Facebook Comments