Bagsakan tinatangkilik ngayon ng mga Rubber Farmers/Tappers sa North Cotabato

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga rubber farmers at tappers na tumatangkilik sa Cotabato Rubber Trading Center o “Bagsakan”.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, Jr., mula Aug 12-15, 2017 ay abot sa 877 rubber farmers/tappers ang nagbenta ng kanilang mga rubber cup lumps sa “Bagsakan” kung saan mas mataas ang presyo bawat kilo kumpara sa ibang buyers. Una ng nagbenta ng kanilang rubber cup lumps ang daan-daang farmers nitong nakalipas na ilang buwan, sinabi ni Mangliwan.

Ang naturang bilang ng mga magsasaka ay mula sa Kidapawan City (299), Carmen (117), Pres. Roxas (198), at Antipas (263). Abot naman sa kabuuang 103,732 kilo ng rubber cup lumps ang kanilang naibenta sa “Bagsakan” sa presyong P28.50 per kilo at dagdag na P1 kada kilo para sa mga farmers organization o may katumbas na halagang P3,072, 425 sa loob lamang ng 15 araw na bentahan.


Abot lamang sa P22 ang presyo kada kilo ng rubber cup lump sa labas ng “Bagsakan:, ayon pa kay Mangliwan.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 42 ni Gov Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza ay binuo ang Cotabato Rubber Trading Center o “Bagsakan” sa piling mga barangay ng bawat munisipyo sa Cotabato.

Layon nito na tugunan ang hinaing ng mga rubber farmers at tappers sa mababang presyo ng rubber cum lumps at iba pang reklamo at mapaangat pa ang industriya ng rubber sa lalawigan.

Maliban sa nabanggit na mga munisipyo, meron na ring “Bagsakan” sa mga bayan ng Makilala, Kabacan, Matalam, Antipas, Arakan, Tulunan, at Banisilan habang kasalukuyan pang itinatatag ang “Bagsakan” sa iba pang lugar. *(JIMMY STA. CRUZ-PGO IDCD/Media Center)*

*GOOGLE PIC*

Facebook Comments