BAGSIK NI AGATON | Higit 600 pamilya, inilikas sa Mindanao

Mindanao – Umakyat na sa 611 pamilya ang isinailalim sa force evacuation dahil sa bagyong Agaton sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Sa ginanap na press briefing sa tanggapan ng NDRRMC sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na kabilang sa mga inilikas ay mula sa mga lalawigan ng Capiz, Zamboanga Region, Agusan Del Sur, Surigao Norte, at Surigao Del Sur at Dinagat Island.

Ayon kay Marasigan, 235 pamilya ang nasa bahay ng kanilang kaanak.


Inalerto na rin ng Office of the Civil Defense ang publiko na maging handa lalupat may mga pag-ulan pa ang dala ng bagyong Agaton.

Facebook Comments