Manila, Philippines – Nasa 2,000 mga barangay sa bansa ang pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical And Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa banta ng bagyong Agaton.
Ayon kay PAGASA Director Esperanza Cayanan, nasa 1,763 barangay ang posibleng magkaroon ng flashfloods habang 382 barangay ang nanganganib sa landslides.
Aniya, may pagkakatulad ang Bagyong Agaton sa Bagyong Vinta na huling nanalasa sa Mindanao.
Facebook Comments