Visayas – Isasailalim sa State of Calamity ang dalawamput anim na mga barangay sa bayan ng Panit-An, Capiz dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton.
Ito ay matapos ang assesment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa mga binabahang Barangay.
Nabatid kasi na mahigit P67-Milyon ang pinsalang iniwan ng naturang bagyo sa nasabing bayan.
Karamihan sa mga naapektuhan ay ang pananim na palay ng mga magsasaka na lubog sa tubig-baha ng ilang araw.
Base naman sa report ng Provincial DRRMO-Capiz, mahigit 150 na barangay pa rin ang lubog sa tubig-baha at tinatayang nasa 900 na pamilyang evacuees ang nasa Evacuation Center.
Facebook Comments