Manila, Philippines – Patuloy na tumatawid ng Sulu sea ang Bagyong Basyang.
Huli itong namataan sa layong 185 kilometers west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.
Kumikilos ito West South West sa bilis na 26 kph.
Nanatiling nakataas sa tropical cyclone warning signal number 1 ang sumusunod:
– Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands)
– katimugang bahagi ng Negros Occidental
– katimugang bahagi ng Negros Oriental
– hilangang bahagi ng Zamboanga Del Norte
Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang iiral sa Palawan at Western Visayas.
May paminsan-minsang malalakas na ulan ang asahan naman sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Sabado ng umaga.