Nag-landfall na sa Mainland China ang typhoon Mangkhut (Ompong).
Ito ay matapos humagupit sa Pilipinas at Hong Kong.
Nasa dalawa na ang naitalang patay habang aabot sa 2.45 million na tao ang lumikas sa Guandong Province.
Aabot na sa higit 18,000 emergency shelters ang itinayo habang nasa higit 600 tourism at halos 30,000 construction sites ang pansamantalang ipinahinto.
Itinuturing na itong pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
Facebook Comments