BAGUIO, PHILIPPINES – Kahit wala pang naitatalang kaso ng African Swine Fever o ASF sa syduad, inabisuhan ng gobyerno ang mga mamimili na maging mapanuri sa mga binibili nilang baboy ayon naman yan kay City Veterinarian Doctor Bridgette Piok kung saan may sampung porsyentong mga produktong baboy na galing sa labas ng syudad ay hindi nagpositibo sa ASF.
Dagdag nya dito na lahat ng produktong baboy na nanggagaling sa labas ng syudad ay nagpapakita naman ng mga Valid Health Certificates at Shipping Permits bago ipasok at ang mga produkto ay siguradong ligtas dahil lagi naman ito sumasailalim sa mabusisi at istriktong regular inspeksyon ng National Meat Inspection Services o NMIS.
Kasalukuyan pa ring nasa lockdown ang ilang probinsya ng Benguet kasama ang Baguio City, at inaantay ang disisyon ng Bureau of Animal Industry, Department of Agriculture o BAI-DA na nakabase sa desisyon ng Executive Order (EO) 2020-010 na inisyu ni Governor Melchor Diclas noong Pebrero 5.
iDOL, suriing mabuti ang binibiling karne ng baboy!