Papayagan na ng Baguio City Government ang muling pagbubukas ng turismo sa kanilang lugar simula September 21, pero para lamang sa mga residente ng Ilocos Region.
Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang Baguio, La Union, Pangasinan, Ilocos Norte at Ilocos Sur ay magiging bahagi ng “tourism bubble” na layong pasiglahin ang ekonomiya sa harap ng pandemya.
Gagamit ng visitors’ online registration system para ma-manage ang arrival ng mga turista sa Baguio.
Nais aniya ni Baguio City Mayor Benjamim Magalong na tumanggap ng nasa 200 turista kada araw at piling tourist spots lamang ang bubuksan.
Nakipagtutulungan ang Baguio City Governent sa DOT lalo na sa tour operators para sa pag-manage ng mga turista.
Kinakailangan ding sumailalim ng mga turista sa swab o antigen test bago payagang pumasok sa siyudad.