Pilipinas, maaaring mag-manufacture ng ‘Sputnik V’ vaccine – Russia

179

Bukas ang Russia na magkaroon ang Pilipinas ng sarili nitong pagawaan ng anti-COVID-19 vaccine na ‘Sputnik V’.

Sa virtual hearing ng House Committee on People’s Participation, ayon kay Tatiana Shlychkova, Minister-Counsellor at Deputy Head of Mission sa Russian Embassy sa Manila, mayroong tatlong option silang ipinanunukala sa Pilipinas para makakuha ng bakuna.

Una ay pagbibigay sa kanila ng bakuna, ikalawa ay pagsali sa clinical trials, at ang ikatlo ay ang pagtatayo ng local manufacturer ng bakuna sa Pilipinas.

Mahalaga aniyang naibabahagi ang kanilang teknolohiya para magamit din ito sa hinaharap.

Sinabi naman ni Vladislav Mongush, first secretary ng Russian Embassy, ang Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) at Russian Direct Investment Fund ay nagsimula ng mag-usap hinggil sa bakuna.

Ang availability ng bakuna sa Pilipinas ay nakadepende sa kooperasyon ng Russian at Philippine Authorities.

Una nang sinabi ni Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Director Dr. Jaime Montoya na nasa 10,000 Pilpino ang lalahok sa ikatlo at pinal na bahagi ng clinical trials ng Russian Vaccine.




Facebook Comments