Baguio City, iaapelang buksan na ang lungsod para sa mga turistang nabakunahan na!

Nakatakdang iapela ng pamahalaang panlungsod ng Baguio sa National Task Force on COVID-19 na payagan nang makapagbiyahe ang mga indibidwal na nabakunahan na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila kay Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong, sa ngayon kasi ay hindi pa rin bukas sa mga turista na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at National Capital Region (NCR) Plus bubble ang summer capital ng bansa.

Aminado si Magalong na 60 percent hanggang 70 percent ng kanilang turista ay galing Metro Manila kaya bagsak ang industriya ng turismo sa kanilang lungsod.


Una nang inapela ng Department of Tourism na buksan na ang Baguio sa mga turista sa NCR Plus.

Facebook Comments