Baguio City, may kaso na rin ng UK variant

Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may kaso na ng COVID-19 UK variant sa lungsod.

Ayon kay Magalong, isang 30-anyos na babae ang unang kaso ng B117 o UK COVID-19 variant sa kanilang lugar.

Aniya, nagpositibo sa virus ang babae noong Pebrero 12 at nakarekober noong Pebrero 23.


At nitong Pebrero 28, lumabas ang resulta ng genome sequencing kung saan nakita na positibo ito sa UK variant.

Tiniyak naman ni Magalong na iniimbestigahan na kung may kaugnayan ito sa unang nai-report na UK variant cases sa La Trinidad, Benguet at Bontoc.

Una nang sinabi ni La Trinidad Mayor Romeo Salda na lahat ng indibidwal sa kanilang lugar na UK variant positive ay nakarekober na.

Facebook Comments