Baguio City, nag-iingat kasabay ng unti-unting pagbubukas ng kanilang turismo

Nananatiling maingat ang Baguio City sa pagpasok ng mga lokal na turista, sa harap ng napipinto nitong re-opening mula sa iba pang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila bukas, October 23.

Batay sa datos ng Baguio City Tourism Office, 15 mula sa 2,842 individual resignations sa Baguio Visitor Information and Travel Assistance (VISITA) ang naaprubahan.

Ayon kay Baguio Tourism Officer Engineer Aloysius “Alec” Mapalo, mayroon pang 528 travel requests ang nakabinbin na mula sa iba pang probinsya, maging sa labas ng Luzon at mula sa Estados Unidos.


Batay sa Ridge to Reef Travel Corridor sa pagitan ng Baguio at Ilocos Region, tanging mga lokal na turista mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan at La Union lamang ang ipaprayoridad na makapasok sa City of Pines.

Sinabi naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi sila nagmamadali sa pagbubukas ng industriya ng turismo lalo na pagdating sa carrying capacity ng bansa.

Ang mga turistang nais magtungo sa lungsod ay hindi na kailangang direktang mag-book sa pamamagitan ng travel agents.

Ibig sabihin, ang mga turista ay maaari nang makapag-book direkta sa Baguio hotels o accommodation establishments na accredited ng Department of Tourism (DOT).

Ang mga turista ay papayagan lamang manatili sa Baguio ng hanggang limang araw at kapag lumampas ay kailangan nilang sumailalim sa confirmatory swab test.

Facebook Comments