Baguio, Philippines – Nilagdaan na noong Miyerkules, Hulyo 1, ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang kasunduan patungkol sa pagsasagawa ng isang multi-purpose phone application at website na gagamitin para sa no-contact transaction sa tulong ng kumpanyang, Information Technology Business Solutions Corporation (ITBS) na inirepresenta ni Pampanga-based ITBS President, John Paul M. Miranda bilang saksi sa paglagda.
Layunin ng App na pinangalangang “Smart Baguio City in My Pocket” ay ang pagkakaroon ng maayos na Serbisyo Publiko tulad ng pinalawig na pagbabantay sa publiko, pagbibigay ng magandang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan at mga agarang solusyon sa local government information and transactions; at, emergency and calamity notifications.
Isa sa kabilang na tampok ng App na ito ay ang napapanahong Serbisyo Medikal kontra Covid-19 tulad ng pagkakaroon ng agarang medical self-assessment at reporting tool, madaliang emergency services access, at isang contact tracing tool.
Iba pang tampok ng App ay ang interaksyon ng lokal na gobyerno sa mga residente ng syudad para sa pagpapatupad ng ilang mga batas
Isasailalim naman sa training ang mga lokal na ahensya at mga barangay para mapangasiwaan ang App bago ito isa publiko.
Photo By: PIO Baguio