Baguio City Police Office, Kinilala sa Buong Pilipinas!

143

Baguio, Philippines – Kinilala ang Baguio City Police Office (BCPO) bilang isa sa pinaka mahusay na City Police Station sa buong Pilipinas sa 23rd Culminating Activity Ng Philippine National Police Community Relations Month.


Personal na tinanggap ni Baguio City Director Senior Superintendent Ramil Saculles ang naturang parangal sa Camp Crame mula kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Matatandaang Mayo nitong taon ay kinilala rin ang Baguio City Police Office bilang Top Performing Police Station sa buong Pilipinas.

Ayon naman sa BCPO ay ang magandang relasyon ng pulisya sa komunidad ang dahilan kaya napapanatili nila ang public safety ng Baguio City.

Saludo po kami sa mga kapulisan sa Baguio!

Facebook Comments