Bahay ng dating Alkalde sa Maguindanao sinalakay ng mga otoridad

Sinalakay ng mga pinagsanib na pwersa ng Marines at kapulisan ang sinasabing pamamahay ni former Talitay Mayor Montasser Sabal sa Sitio Burwagan Brgy. Blensong Upi Maguindanao alas otso kaninang umaga.

Bitbit ang tatlong Search Warrant partikular ang violation ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 , RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA 9516 na inisyu Hon. Bansawan Z Ibrahim, Al Haj, Executive Judge, 12th Judicial Region, Branch 13.

Bagaman nag negatibo na maaresto ang target person ng mga operatiba, nakakumpiska ng mga ito ang 3 bala ng caliber 50, isang bala ng rifle grenade at 2 empty sachet ng shabu.


Nanguna sa operasyon si PCI ERWIN G TABORA, COP ng UPI MPS , kasama ang mga elemento ng MBLT-7 Phil. Marine (PN) sa pangunguna ni Captain MACARAIG at Chairman Alfredo “Pidong” Belangbelang ng Brgy. Blensong.

UPI MPS Pic

Facebook Comments