Baguio General Hospital, nagdagdag ng 150 COVID-19 beds – DOH

Nagdagdag ang Baguio General Hospital ng 150 beds para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) matapos tukuyin ang OCTA Research Group ang Baguio City bilang area of urgent concern dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 kada araw, mataas na positivity rate, mataas na attack rate, at mataas na hospital occupancy.

Pero paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod.


Ang critical care utilization rate sa Baguio City ay wala pa sa critical zone dahil ang mga pribadong ospital ay hindi pa naaabot ang 20% COVID-19 bed allocation.

Nasa 13% pa lamang aniya ang allocation ng private hospitals sa Baguio City.

Pagtitiyak ni Vergeire sa publiko na nagbigay na ng patnubay si Health Undersecretary Bong Vega sa mga ospital.

Sa ngayon, nasa 60% ng COVID-19 patients sa Baguio ang gumaling na sa sakit.

Facebook Comments