28 pulis, nadagdag sa mga tinamaan ng COVID-19 – PNP

30

Nagdagdagan pa ng 28 tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng PNP, aabot na sa 7,799 ang total cases.


Umabot naman sa 7,412 ang gumaling matapos makarekober ang nasa 49 na police personnel mula sa sakit.

Nananatili pa rin sa 25 pulis ang namatay sa COVID-19.

Sa ngayon, aabot sa 362 ang active cases sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments