Baguio night market, balik-operasyon na bukas

Kinumpirma ni Baguio Market Supervisor Fernando Ragma Jr. ang pagbabalik-operasyon ng Baguio night market bukas, Disyembre 11 mula alas-8:00 hanggang alas-11:30 ng gabi.

Ito ay matapos suspindehin ang nasabing night market dahil sa hindi makontrol na dami ng tao.

Ayon kay Ragma, mas maayos na ang operasyo at mas mahigpit na ang kanilang pagpapatupad sa minimum health protocols sa lugar.


Ilan aniya sa kanilang mga hakbang na ginawa ay ang paghati sa apat na seksyon ng night market at nasa higit 60 pulis na rin ang ide-deploy ang PNP.

Ang muling pagbubukas ng Baguio night market sa Lungsod ng Baguio ay parte ng muling pagbuhay sa ekonomiya ng lungsod sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments