Mahigit 300 police trainees ng NCRPO, sumasailalim sa pagsasanay sa paggamit ng yantok

Isinasailalim sa training ang mga bagong recruit na pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paggamit ng yantok.

Kahapon, sinimulan ng mahigit 300 police trainee ang kanilang pagsasanay sa paggamit ng yantok bilang bahagi ng defense tactics o self-defense.

Ito ay requirement din nila bago sila isabak sa field kapag sila ay graduate na.


Ayon kay NCRPO Director Police B/Gen. Vicente Danao, ang pagsasanay ng yantok sa mga bagong recruits ay napapanahon para sa pagpapatupad ng batas lalo’t nanatili ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments