BAGYO | Mahigit 200,000 pamilya apektado ng magkakasunod na bagyong Henry, Inday at Josie

Manila, Philippines – Sa kabila ng inaabangang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga pamilyang apektado ng pananalasa ng mga bagyong Henry, Inday at Bagyong Josie.

Batay sa monitoring ng NDRRMC sa bilang ng apektadong pamilya mahigit limang libo rito ay nananatili sa 135 na evacuation centers.


Habang mahigit 84 na libong pamilya ay nasa kanilang mga kamag anak nakikituloy ngayon.

Aabot na rin sa mahigit 20 milyong pisong halaga ang naibigay na tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya sa Regions 1,3, CALABARZON,6,NCR at CAR.

Tumaas na rin ang pinsala ng mga bagyong Henry, Inday at bagyong Josie na ngayon ay mahigit 300 milyong piso na ang nasira sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Facebook Comments